Sinabi, Agosto 27, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga turista sa bansa ay bunga ng patuloy na polisiya ng pagbubukas at mga pagsisikap na mapabuti ang kaukulang serbisyo.
Ipinakikilala aniya ng Tsina ang iba't-ibang polisiya upang mapadali ang pagpasok ng mga turista, tulad ng walang visa na pagpasok sa loob ng 15 araw para sa 15 bansa; mga kasunduan sa mutuwal na eksempsyon sa visa kasama ang 6 na bansa, na kinabibilangan ng Singapore at Thailand; at pagpapalawig ng 144-oras na polisiya ng walang visa sa pagdaan sa 37 puwerto sa Tsina para 54 na bansa.
Winewelkam aniya ng “maganda, dibersipikado, bukas, at malugod na Tsina ang madalas na pagbisita ng mga turista."
Salin: Ethan
Pulido: Rhio