Sa kanilang pag-usap sa telepono, Setyembre 18, 2024, nagpalitan ng kuru-kuro sina He Lifeng, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Rachel Reeves, Chancellor of the Exchequer ng Britanya, hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at muling pagsisimula ng “Diyalogong Ekonomiko at Pinansyal ng Tsina at Britanya.”
Ani He, nakahandang magsikap ang Tsina kasama ng Britanya para isakatuparan ang mahahalagang konsenso ng mga lider at palakasin ang pag-uugnay ng pag-unlad ng mga estratehiya ng dalawang bansa, pasulungin ang kalayaan at kaginhawaan ng kalakalan at pamumuhunan ng dalawang panig, at palawakin ang kooperasyon sa berdeng ekonomiya, Artipisyal na Intelihensya at iba pang larangan.
Sinabi naman ni Reeves, na palalakasin ng Britanya ang diyalogo at pakikipagkooperasyon sa Tsina para ilatag ang matatag na pundasyon tungo sa pagpapaunlad ng relasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mahabang panahon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio