Mensaheng pambati, ipinadala ng premyer Tsino sa bagong punong ministro ng Britanya

2024-07-08 15:47:18  CMG
Share with:


Si Keir Starmer

 

Isang mensaheng pambati ang ipinadala Linggo, Hulyo 7, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina kay Keir Starmer, kaugnay ng panunungkulan niya bilang bagong punong ministro ng Britanya.

 

Saad ni Li, bilang kapuwa pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC) at pangunahing ekonomiya sa daigdig, ang pagpapalakas ng koordinasyon at kooperasyon ng Tsina at Britanya ay hindi lamang angkop sa kapakanan ng magkabilang panig, kundi makakatulong din sa magkasamang pagharap sa mga hamong pandaigdig.

 

Lubos aniyang pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang relasyong Sino-Britaniko, at kasama ng bagong pamahalaan ng Britanya, magpupunyagi ang Tsina upang patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal, palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, pabutihin ang pagpapalitang tao-sa-tao, isulong ang pag-unlad ng kabuhaya’t lipunan, at pasulungin ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio