Abuja, Nigeria — Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG), ginanap Setyembre 17, 2024 (lokal na oras) ang isang espesyal na aktibidad na pangkultura na pinamagatang "Written in the Sky: My China Story" bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).
Dumalo rito ang halos isang daang panauhin mula sa mga bansang gaya ng Nigeria, Timog Aprika, Ghana, Sierra Leone, at South Sudan.
Sa kanyang video speech sa aktibidad, ipinahayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG na sa okasyon ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, pinasimulan ng CMG ang aktibidad ng “Written in the Sky: My China Story” at magkakasunod na nakakatanggap ng mahigit 1,600 kuwento ng pag-ibig mula sa mahigit 60 bansa.
Sinabi niya na gagawing misyon ng CMG ang pagpapalakas ng pandaigdigang pagpapalitang pangkultura, pagpapasulong ng pandaigdigang diyalogong pangsibilisasyon, at pagpapalalim ng pag-uunawaan ng mga mamamayan sa daigdig upang makapagbigay ng serye ng audio-visual feasts sa mga manonood sa buong mundo at makapag-ambag sa magkakasamang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Bukod pa riyan, dumalo at bumigkas ng talumpati sa aktibidad sina Yu Dunhai, Embahador ng Tsina sa Nigeria, Jafaru Yakubu, Tagapangulo ng House Committee on China/Nigeria Parliamentary Friendship Group, Sulaiman Haruna, Director of Public Relations and Protocol Federal Ministry of Information & National Orientation ng Nigeria, at Chris Isiguzor, Presidente ng Nigerian Union of Journalists.
Salin: Lito