Kooperasyon ng CMG at Nigerian TV and radio networks, pahihigpitin

2024-09-04 11:07:09  CMG
Share with:

Nilagdaan kahapon, Setyembre 3, 2024 sa Beijing nina Presidente Shen Haixiong ng China Media Group (CMG) at Yusuf Tuggar, Ministrong Panlabas ng Nigeria, ang dalawang memorandum of cooperation para pahigpitin ang kooperasyon ng CMG at National Television Authority (NTA) ng Nigeria, CMG at Federal Radio Corporation of Nigeria (FRCN).

 

Sinang-ayunan nilang isagawa ang aktuwal na kooperasyon, palawakin ang tsanel ng pagpapalitan ng kultura para ibayo pang patatagin ang kooperasyon sa pagitan ng mga mainstream media ng Tsina at Nigeria.


Salinas: Ernest

Pulido: Ramil