Global Mayors Dialogue, bubuksan sa silangang Tsina

2024-09-23 16:33:03  CMG
Share with:


Magpopokus sa urban governance at sustenableng pag-unlad, gaganapin, Setyembre 25, 2024 sa Hangzhou, punong lunsod ng lalawigang Zhejiang, silangang Tsina ang Global Mayors Dialogue.

 

Dadalo rito ang mga alkalde at kani-kanilang kinatawan mula sa 24 lunsod ng 15 bansa’t rehiyon, at mga kinatawan ng mga sugong diplomatiko sa Tsina at kaukulang departamento sa loob ng bansa, upang ibahagi ang kani-kanilang karanasan sa urban governance, at hanapin ang inobatibong praktika sa sustenableng pag-unlad.

 

Sa ilalim ng mga temang “Integrasyon ng mga Lunsod at Katotohanang Didyital,” at “Mga Lunsod at Berdeng Pag-unlad,” dalawang sub-porum ang idaraos din, kung saan malalimang tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa kinabukasan ng pag-unlad ng mga lunsod.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio