Sa kanyang pagdalo sa sesyon ng diyalogo ng matataas na kinatawang namamahala sa mga suliraning panseguridad ng mga bansa ng BRICS at Global South Setyembre 11, 2024, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na sa harap ng pabagu-bago at maligalig na kalagayang pandaigdig, dapat ipagkaloob ng Global South ang positibong puwersa tungo sa pagtatatag ng daigdig na may pangmatagalang kapayapaan at unibersal na seguridad.
Aniya, naninindigan ang panig Tsino na dapat igiit ng mga bansang BRICS ang diyalogo’t kooperasyon, patibayin ang pundasyong pangkaunlaran, palaganapin ang pagkakaisa at pagtutulungan, at ipakita ang pagbubukas at pagbibigayan.
Bilang isang ex-officio member ng Global South, sa mula’t mula pa’y nakapanig ang Tsina sa mga bansa sa timog, upang magkasamang ipagtanggol ang pandaigdigang pagkamakatarungan at pagiging patas, at pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng mundo, dagdag ni Wang.
Winewelkam aniya ang pagsapi ng mas maraming “katuwang sa timog” sa pamilya ng BRICS, para kapit-bisig na buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
MOFA: Umano’y arbitral award sa South China Sea, ilegal at walang bisa
Wang Yi, dadalo sa ika-14 na pulong ng mga matataas na opisiyal ng BRICS sa pambansang seguridad
Mga Pangulo ng Central African Republic at South Sudan, kinatagpo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina
Azerbaijan, opisyal na nag-aplay para sumali sa BRICS Cooperation Mechanism