Intercontinental ballistic missile, inilunsad ng PLA sa Karagatang Pasipiko

2024-09-25 16:07:34  CMG
Share with:

Ayon sa Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, inilunsad, Miyerkules ng umaga, Setyembre 25, 2024 ng Rocket Force ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina ang isang intercontinental ballistic missile na may dalang isang dummy warhead sa Karagatang Pasipiko.

 

Nahulog ang nasabing missile sa nakatakdang lugar, anang ministri.

 

Anito pa, ito ay regular na areglo ng taunang pagsasanay ng Rocket Force, at maaga itong ipinaalam ng panig Tsino sa mga kaukulang bansa.

 

Sinubok ng nasabing paglulunsad ang pag-andar ng missile at lebel ng pagsasanay militar ng PLA, at natupad ang inaasahang target, ayon sa ministri.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio