Magkasanib na ensayong militar ng PLA sa paligid ng Taiwan Island, patuloy

2024-05-24 12:09:38  CMG
Share with:

Ayon kay Li Xi, Tagapagsalita ng Eastern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina Biyernes, Mayo 24, 2024, ipinagpatuloy ang magkasanib na ensayong militar ng kanyang command sa paligid ng Taiwan Island.

 

Aniya, ang ensayong militar na ito ay integradong operasyon sa loob at labas ng island chain, upang subukan ang kakayahan ng command sa magkasanib na pagkuha ng kontrol sa battlefield, paglulunsad ng magkasanib na dagok, at pagkontrol sa masususing sona.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil