Sa kauna-unahang pagkakataon, inilabas, Setyembre 25, 2024 sa Ika-3 Global Digital Trade Expo ang “China Digital Commerce Development Report,” na nagpapakilala sa kapaligirang pampatakaran, mga batas, regulasyon at pamantayan sa pagpapa-unlad ng didyital na komersyo, at ibinubuod ang mahahalagang gawain sa didyital na komersyo ng Tsina.
Ang ulat ay binubuo rin ng 14 na kabanatang naglalahad ng mga natatanging kasanayan sa didyital na komersyo ng iba’t ibang lugar ng Tsina at pananaw para sa hinaharap.
Sa loob ng 11 taong singkad, ang Tsina ay ang pinakamalaking tingiang merkado sa online na plataporma sa mundo.
Sa unang hati ng 2024, umabot sa 5.7% ng kalakalang panlabas ng Tsina ang cross-border e-commerce, at 30% ang itinaas ng direktang puhunan ng Tsina sa ibang bansa sa aspekto ng didyital na kabuhayan.
Salin: Zheng Yujia
Pulido: Rhio