Ipinahayag, Setyembre 27, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakikita ng kanyang bansa ang bunga ng halalan sa Hapon, pero ito ay suliraning panloob ng Hapon, at walang komentaryo hinggil dito ang Tsina.
Aniya, ang pangmatalagan, malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Hapones ay angkop sa pudamental na interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at ito ay tanging tumpak na pagpili.
Umaasa aniya ang Tsina na tatahak ang Hapon sa landas ng mapayapang pag-unlad, mananangan sa aktibo at rasyonal na patakaran sa Tsina, at aktuwal na isasakatuparan ang komprehensibong pagpapasulong ng estratehikong relasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio