Pinaplanong buksan sa mga pandaigdigang siyentipiko ng China National Space Administration (CNSA) ang mga materyales na kinuha ng Chang'e 6 mission mula sa Buwan.
Kaugnay nito, sinabi ni Bian Zhigang, Bise Administrador ng CNSA, na patuloy silang magiging bukas sa mga pandaigdigang siyentipiko sa hinaharap.