Kalakalang panlabas ng Xinjiang, lumaki ng halos 31%

2024-09-27 16:20:54  CMG
Share with:

Inihayag, Setyembre 26, 2024 ng lokal na tanggapan ng aduwana ng Xinjiang Uygur Autonomous Region, gawing Hilagang-kanluran ng Tsina, na 30.9% ang paglaki ng kalakalang panlabas ng rehiyon sa unang walong buwan ng 2024, kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.

 
Kaugnay nito, umabot sa higit 285.3 bilyong yuan (mga $US40.5 bilyon) ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas mula Enero hanggang Agosto, dagdag ng aduwana.