Xi Jinping sa mga manggagawang industriyal: makipag-ambag para palakasin ang pagmamanupaktura ng Tsina

2024-09-28 17:45:17  CMG
Share with:

 

Sa liham kamakailan bilang sagot sa mga manggagawa ng China First Heavy Industries Co. Ltd., ini-enkorahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga manggagawang industriyal na Tsino, na sa pamamagitan ng kanilang talino at sikap, makipag-ambag para palakasin ang pagmamanupaktura ng bansa.

 

Sinabi rin ni Xi, na kailangang pag-ibayuhin ng mga manggagawa ang pagsisikap, para gawin ang lalo pang de-kalidad na mga produkto, at matamo ang bagong bunga sa mga masusi at nukleong teknolohiya ng pagmamanupaktura.

 

Ang China First Heavy Industries Co. Ltd. ay isang namumunong bahay-kalakal ng paggawa ng mga kagamitan, na nakabase sa lunsod ng Qiqihar, lalawigang Heilongjiang sa hilagang-silangang Tsina.


Editor: Liu Kai