Isyung pangkabuhayan, pinag-aralan ng CPC

2024-09-26 15:22:25  CMG
Share with:

Sa pangungulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), idinaos ngayong araw, Setyembre 26, 2024 ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC ang pulong para pag-aralan ang kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan at balangkasin ang gawaing pangkabuhayan sa susunod na yugto.

 

Ayon sa pulong, sapul nang pumasok ang 2024, nanatiling matatag ang takbo ng pambansang kabuhayan at lipunan ng Tsina.

 

Hiniling nito sa lahat ng may kinalamang panig, na komprehensibo at obdiyektibong pakitunguhin ang mga bagong sibol na isyu sa pambansang kabuhayan at isagawa ang mga katugong hakbangin.

 

Diin pa nito, dapat pabutihin ang pagsasaayos sa mga patakaran ng pananalapi at pinansya, lutasin ang mga aktuwal na kahirapang kinakaharap ng mga bahay-kalakal, pasulungin ang pagdaragdag ng hanap-buhay, at tulungan ang mahihirap na mamamayan sa paghahanap ng trabaho.


Salin: ernest

Pulido: Rhio