Pagpapatibay ng pagkakaisa ng Nasyong Tsino, ipinagdiinan ni Xi Jinping

2024-09-27 17:07:57  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pulong ng pagbibigay-gantimpala sa mga huwarang modelo sa etnikong pagkakaisa at progreso, Setyembre 27, 2024 sa Beijing, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang komprehensibong pagpapatupad ng kaisipan ng sosyalismong may katangiang Tsino sa makabagong panahon, lalung-lalo na, ang mahalagang kaisipan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa pagpapalakas at pagpapabuti ng mga etnikong gawain.

 

Aniya, kailangan ang walang humpay na pagpapasulong ng usapin ng etnikong pagkakaisa at progreso, pagpapabilis ng pagtatatag ng komunidad ng Nasyong Tsino, at magsigasig para sa pagpapasulong ng malakas na bansa at pag-ahon ng Nasyong Tsino, sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.

 

Sa nasabing pulong, 352 grupo at 368 huwarang modelo sa etnikong pagkakaisa at progreso mula sa buong bansa ang ginantimpalaan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio