Sa pamamagitan ng New Era International Communication Research Institute, at kaugnay ng Ika-75 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), isinagawa ng China Global Television Network (CGTN), isang institusyong pang-media na pag-aari ng Tsina, at Renmin University of China ang sarbey na tinaguriang “China Favorability” sa ikalawang sunod na taon.
Ayon dito, patuloy na tumaas ang paborabilidad ng mga respondiyente sa Tsina, at pinapurihan ang ekonomiya, pag-unlad sa teknolohiya, kultura, at impluwensiyang pandaigdig ng bansa.
Partikular na pinuri ng mga respondiyenteng mula sa mga bansa ng “Pandaigdigang Timog,” na nasa may edad 33 anyos pababa, ang konsepto at bunga ng modernisasyon ng Tsina.
Hinggil sa pambansang imahe ng Tsina, 92% ng mga respondiyente ang naniniwalang ang Tsina ay mahalagang bansa.
Ito ay mas lumaki ng 1.4% kumpara sa nakaraang taon.
Samantala, 89% naman ang nagsabing ang Tsina ay matagumpay na bansa – 4.8% mas malaki kumpara noong nakaraang taon.
Para sa 77.8%, ang Tsina ay isang kagalang-galang na bansa, at ang pigurang ito ay 1.3% mas mataas kumpara sa nakaraang taon.
The graphic shows 92 percent of respondents recognize China as an important country, a slight rise of 1.4 percentage points from last year; 89 percent view China as a successful country, an increase of 4.8 percentage points; and 77.8 percent consider China a respectable country, up 1.3 percentage points from the previous year. /CGTN
Kasali sa nasabing sarbey ang 16,400 respondiyente, mula sa 41 bansang mula sa mga rehiyong Hilagang Amerika, Europa, Aprika, Oceania, Timog-silangang Asya, Timog Asya, at Gitnang-silangan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio