Pangulong Xi, magbibigay-pugay sa mga bayani bago Ika-75 Anibersaryo ng PRC

2024-09-29 15:50:13  CMG
Share with:

Kasama ang iba pang mga lider ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at bansa, maghahandog ng bungkos ng mga bulaklak si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa mga bayani, sa Monumento ng mga Bayani ng Bayan, sa Tian'anmen Square, Beijing, Lunes ng umaga, bisperas ng Ika-75 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).

 

Lalahok din sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa iba't-ibang sektor ng lipunan ng bansa, bilang paggunita sa Araw ng mga Martir.

 

Isasahimpapawid ng China Media Group (CMG) ang kaganapang ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio