Sa bisperas ng Ika-75 Anibersaryo ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), ginantimpalaan ni Xi Jinping, Kataas-taas na Lider ng Tsina, ang mga grupo at indibiduwal na gumawa ng namumukod na ambag sa usapin ng etnikong pagkakaisa at progreso.
Ipinagdiinan niya ang komprehensibong pagpapatupad ng kaisipan ng sosyalismong may katangiang Tsino sa makabagong panahon, lalung-lalo na, ang mahalagang kaisipan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa pagpapalakas at pagpapabuti ng mga etnikong gawain.
Tinukoy niyang, nitong nakalipas na mahigit 100 taon sapul nang itatag ang CPC, nilikha nito ang isang landas na may katangiang Tsino sa pagresolba sa mga etnikong isyu, at napatunayan ng praktika na napakatumpak ng nasabing landas.
Aniya, kailangan ang walang humpay na pagpapasulong ng usapin ng etnikong pagkakaisa at progreso, pagpapabilis ng pagtatatag ng komunidad ng Nasyong Tsino, at magsigasig para sa pagpapasulong ng malakas na bansa at pag-ahon ng Nasyong Tsino, sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.
Sa pulong ng pagbibigay-gantimpala, ginawa rin ni Xi ang mga konkretong plano sa pagpapasulong ng mga rehiyong may malaking populasyon ng etnikong minorya sa modernisasyong Tsino, at pagsasakatuparan ng komong kasaganaan.
Saad ni Xi, kailangang pabilisin ang de-kalidad na pag-unlad ng nasabing mga rehiyon; igiit ang paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan sa proseso ng pag-unlad; aktibong pasulungin ang pagpapalitan at pagkakahalu-halo ng iba’t-ibang lahi; palakasin ang konstruksyon ng imprastruktura na gaya ng transportasyon sa mga purok-hanggahan at mga rehiyong may malaking populasyon ng etnikong minorya; aktibong pasulungin ang makabagong urbanisasyon na nagpapauna ng mga mamamayan at iba pa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio