Kaugnay ng pagkakapatay kay Hassan Nasrallah, lider ng Hezbollah, sa atakeng panghimpapawid na inilunsad ng Israel sa Lebanon kamakailan, ipinahayag Setyembre 29, 2024, ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA) na minamatyagan nito ang nasabing usapin, at nababahala rin ito sa paglala ng kalagayan sa Gitnang-silangan.
Anang ministri, tutol ang Tsina sa anumang panghihimasok sa soberanya at seguridad ng Lebanon, at kinokondena ang lahat ng aksyong nakakapinsala sa mga mamamayan ng bansa.
Hinihimok ng Tsina ang mga kinauukulang panig, partikular, ang Israel na agarang pahupain ang kalagayan para maiwasan ang lalo pang pagkawala sa kontrol ng alitan, dagdag ng ministri.
Anito pa, ang pangkagipitang tungkulin sa kasalukuyan ay aktuwal na pagsasakatuparan ng kinauukulang resolusyon ng United Nations Security Council, hinggil sa digmaan sa Gaza Strip, at pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Gitnang-silangan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio