Atakeng panghimpapawid, inilunsad ng Israel laban sa Houthi

2024-09-30 12:57:21  CMG
Share with:

Malawakang atakeng panghimpapawid ang inilunsad, Setyembre 29, 2024 ng Israel Defense Forces (IDF) sa mga puwerto ng Hodeidah at Ras Issa, mga kalapit na planta ng enerhiya, at iba pang target sa Yemen, na kontrolado ng grupong Houthi.

 

Ayon sa IDF, ginagamit ng Houthi ang mga daungan sa pag-aangkat ng langis at pagtanggap ng mga armas mula sa Iran.

 

Dagdag nito, ang kasalukuyang pag-atake ay bilang tugon sa naunang mga atake ng Houthi sa Israel.

 

Ayon naman sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa Yemen, may mga nasawing mamamayang Yemeni sa pag-atake sa Hodeidah.


Salin: Yan Shasha

Pulido: Rhio