Mataas na opisyal ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran, patay sa atakeng panghimpapawid ng Israel

2024-09-29 10:54:33  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, Setyembre 28, 2024 ng media ng Iran, nasawi si Abbas Nilforushan, mataas na opisyal ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng bansa, sa atakeng panghimpapawid ng Israel, gabi ng Setyembre 27, sa Beirut, Lebanon.

 

Nasawi rin si Sayyed Hassan Nasrallah, lider ng Hezbollah, sa nabanggit na pag-atake.

 

Samantala, kinumpirma ng Hezbollah sa parehong araw ang pagkakapatay sa kanilang lider.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio