Zambia media: Tsina at Aprika, magkasamang lilikha ng kinabukasang may sustenableng pag-unlad

2024-10-01 17:19:18  CMG
Share with:

 

Sa kanyang artikulo kamakailan sa pahayagang Daily Nation ng Zambia, sinabi ni kolumnista Deka Zulu, na ang modernisasyong Tsino ay magiging modelo para sa pagpapabilis ng mga bansang Aprikanong kinabibilangan ng Zambia ng pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad, at magdudulot ng mahahalagang pagkakataong pangkaunlaran sa mga bansang Aprikano.

 

Ipinaliwanag ni Zulu, na ang de-kalidad na pag-unlad, bagong kalidad na puwersang produktibo, pagbubukas sa labas sa mataas na antas, at berde at sustenableng pag-unlad ay mga katangian ng modernisasyong Tsino, at ang mga ito ay karapat-dapat na tularan ng mga bansang Aprikano.

 

Dagdag ni Zulu, may parehong halaga ang 2063 Agenda ng Unyong Aprikano at mga ideya ng 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation, at ang magkasamang pagpapasulong ng Tsina at Aprika sa modernisasyon ay lilikha ng kinabukasang may sustenableng pag-unlad.


Editor: Liu Kai