10 partnership action plan, handang pasulungin ng Tsina at Aprika

2024-09-05 16:46:05  CMG
Share with:

Binuksan ngayong araw, Setyembre 5, 2024 sa Beijing ang 2024 Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).

 

Sa kanyang pagdalo at talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na itinatag ang FOCAC noong 2000, at mayroong itong mahalagang katuturan sa kasaysayan ng relasyong Sino-Aprikano.

 

Sa mula’t mula pa aniya’y, nagkaka-unawaan at suportado ng Tsina at Aprika ang isa’t-isa, na naging modelo ng bagong relasyong pandaigdig.

 


Inanunsyo rin ng pangulong Tsino ang pagpapataas ng bilateral na ugnayan ng Tsina sa lahat ng ka-relasyong bansang Aprikano, sa estretehikong lebel.

 

Samantala, ini-upgrade rin ang pangkalahatang katayuan ng relasyon ng dalawang panig sa panlahatang-panahong komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika sa makabagong panahon.

 

Sinabi ni Xi, na dapat magkakasamang magsikap ang Tsina at mga bansang Aprikano para pasulungin ang modernisasyong may 6 na katangian, na kinabibilangan ng pantay-pantay at makatuwirang modernisasyon, bukas at win-win na modernisasyon, modernisasyong nagpapauna ng mga mamamayan, dibersipikado at inklusibong modernisasyon, modernisasyong mapagkaibigan sa ekolohiya, at modernisasyon tungo sa kapayapaan at katiwasayan.

 


Kasama ng Aprika, nakahanda aniya ang Tsina na ipatupad ang 10 partnership action plan, upang magkakasamang pasulungin ang modernisasyon.

 

Ang mga plano ay ipapatupad sa darating na 3 taon, sa mga larangang kinabibilangan ng mutuwal na pagpapalitan ng kaalaman ng mga sibilisasyon, kasaganaang pangkalakalan, kooperasyon sa kadenang industriyal, konektibidad, kooperasyong pangkaunlaran, kalusugan, agrikultura at paraan ng kabuhayan, pagpapalitang tao-sa-tao at kultural, berdeng pag-unlad, at komong seguridad, dagdag ni Xi.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio