Binuksan, Setyembre 5, 2024 sa Beijing ang 2024 Summit of the Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).
Ito ang isa pang mahalagang pangyayari sa kooperasyong Sino-Aprikano.
Sa kanyang keynote speech sa seremonya ng pagbubukas, inanunsyo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagpapataas ng bilateral na ugnayan ng Tsina sa lahat ng ka-relasyong bansang Aprikano, sa estratehikong lebel, at pag-a-upgrade din ng pangkalahatang katayuan ng relasyon ng dalawang panig sa panlahatang-panahong komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika sa makabagong panahon.
Iminunghai ng panig Tsino na kapit-bisig na pasulungin, kasama ng panig Aprikano ang modernisasyong may 6 na katangian, na kinabibilangan ng pantay-pantay at makatuwirang modernisasyon, bukas at win-win na modernisasyon, modernisasyong nagpapauna ng mga mamamayan, dibersipikado at inklusibong modernisasyon, modernisasyong mapagkaibigan sa ekolohiya, at modernisasyon tungo sa kapayapaan at katiwasayan.
Ipinatalastas din nito ang 10 partnership action plan sa darating na tatlong taon, sa mga larangang kinabibilangan ng mutuwal na pagpapalitan ng kaalaman ng mga sibilisasyon, kasaganaang pangkalakalan, kooperasyon sa kadenang industriyal, konektibidad, kooperasyong pangkaunlaran, kalusugan, agrikultura at paraan ng kabuhayan, pagpapalitang tao-sa-tao at kultural, berdeng pag-unlad, at komong seguridad.
Sa kasalukuyan, komprehensibong pinapasulong ng Tsina ang pagtatatag ng isang malakas na bansa at pag-ahon ng nasyon, sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.
Samantala, matatag na umaabante ang Aprika tungo sa target ng modernisasyong inilalarawan sa Agenda 2063 ng African Union (AU).
Ang paghangad ng modernisasyon ay komong direksyon ng sigasig ng Tsina at Aprika.
Inanunsyo ng panig Tsino ang ilang konkretong hakbanging kinabibilangan ng pagbibigay ng serong taripa sa 100% tariff lines ng lahat ng ka-relasyong pinaka-di-maunlad na bansa na kinabibilangan ng 33 bansang Aprikano; paglulunsad ng isang empowerment program para sa mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal ng Aprika; pagsuporta sa konstruksyon ng sentro ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Aprika; pagpapataas ng kakayahan ng iba’t ibang bansang Aprikano sa kalusugang pampubliko; paglikha ng di-kukulangin sa isang milyong hanap-buhay sa Aprika at iba pa.
Ang lahat ng mga hakbanging ito ay nagpapakitang taos-puso ang pagsuporta ng Tsina sa pag-unlad ng Aprika, at buong sikap nitong tinutulungan ang Aprika sa pagpapataas ng sariling kakayahang pangkaunlaran, upang aktuwal na makinabang ang mga mamamayang Aprikano sa kooperasyong Sino-Aprikano.
Ang kapit-bisig na pagpapasulong ng magkabilang panig ng modernisasyon ay makakapaghatid ng mas maraming biyaya sa kani-kanilang mga mamamayan, mamumuno sa kaunlaran at kasiglahan ng Global South, at magpapadala ng mas maraming positibong puwersa para sa kapayapaan at kaunlaran ng mundo.
Salin: Vera
Pulido: Ramil