Xi Jinping, ipinangako ang marami pang bunga at mas malaking ambag ng Tsina sa sangkatauhan

2024-10-01 16:51:00  CMG
Share with:

 

Sa resepsyong idinaos kagabi, Setyembre 30, 2024, sa Beijing, bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC), sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng bansa, na matatamo ng mga Tsino ang marami pang kapansin-pansing bunga at ibibigay ang mas malaking ambag para sa dakilang usapin ng kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan.

 

Tinukoy ni Xi, na ang pagtatatag ng malakas na bansa at pagsasakatuparan ng pagbangon ng nasyong Tsino sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino ay pangunahing tungkulin sa makabagong biyahe sa bagong panahon, at ang matatag na pagpapasulong sa usaping ito ay pinakamabuting paraan para ipagdiwang ang kasalukuyang anibersaryo ng PRC.

 

Binigyang-diin din niyang, para pasulungin ang modernisasyong Tsino, dapat igiit ang pamumuno at pagkokoordina ng Partido Komunista ng Tsina sa mga pagsisikap ng iba’t ibang panig, sundin ang sosyalismong may katangiang Tsino, palalimin ang komprehensibong reporma, palawakin ang pagbubukas sa labas, ipatupad ang ideyang “mamamayan muna,” at itahak ang landas ng mapayapang pag-unlad.


 

Pinanguluhan ni Premyer Li Qiang ang resepsyon na dinaluhan din ng iba pang mga lider ng partido at estado ng Tsina. Nagtipun-tipon dito ang halos tatlong libong personaheng Tsino at dayuhan, para magkakasamang ipagdiwang ang ika-75 anibersaryo ng PRC.


Editor: Liu Kai