Konsiyerto bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC, idinaos

2024-09-30 13:15:20  CMG
Share with:

Idinaos, Setyembre 29, 2024 sa Beijing ang isang konsiyerto bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Republic of China (PRC).

 

Dumalo’t nanood dito si Pangulong Xi Jinping at mga lider ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pamahalaan ng bansa, at mahigit 3,000 iba pang kinabibilangan ng mga kinatawan ng iba’t-ibang sektor ng Tsina, mamamayang Tsino, mga diplomata ng iba’t-ibang bansa sa Tsina, kinatawan ng mga pandaigdigang organisasyon sa Tsina, at mga dayuhang dalubhasa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio