Seremonya ng pagbibigay ng kataas-taasang parangal ng Tsina, idinaos

2024-09-29 16:04:12  CMG
Share with:


Sa seremonya ng pagbibigay ng kataas-taasang parangal pang-estado ng Tsina, Setyembre 29, 2024 sa Great Hall of the People sa Beijing, ipina-abot ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang pagbati at paggalang sa mga tumanggap ng Medalya ng Republika at mga banyagang tumanggap ng Medalya ng Pagkakaibigan.

 

Nanawagan siya sa mga mamamayang Tsino na pag-aralan ang gawa ng mga bayani at huwarang modelo, tungo sa pagbuo ng puwersa sa pagtatatag ng malakas na bansa.

 

Hinimok din niya ang mga mamamayan na gawin ang ambag upang maresolba ang mga hamon sa pag-unlad at reporma, at ipagtanggol ang harmonya at katatagan ng lipunan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio