Sinimulan kahapon, Oktubre 1, 2024, ang bakasyon ng “ginintuang linggo” para sa Pambansang Araw ng Tsina, at tumatagal ito sa Oktubre 7.
Ayon sa China State Railway, inihatid kahapon ng mga daambakal sa bansa ang 21 milyong pasahero, at ang bilang na ito ay may pag-asang aabot sa 175 milyon sa buong bakasyon.
Ayon naman sa mga online travel agency, ang pagbenta ng mga tiket para sa mga domestikong lugar na panturista sa unang araw ng bakasyon ay lumaki ng 37 porsyento kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ang bilang ng mga biyahe sa labas ng bansa ay lumaki naman ng halos 40 porsyento.
Samantala, nakita rin sa unang araw ng bakasyon ang malaking pagtaas ng bilang ng pagrenta ng sasakyan at box office ng mga pelikula at palabas na pansining.
Editor: Liu Kai