Mga kagawarang pangkalusugan ng Tsina at Amerika, palalakasin ang komunikasyon at koordinasyon

2024-10-02 13:02:59  CMG
Share with:

 

Dumalaw kamakailan sa Washington, D.C., Amerika, si Cao Xuetao, Pangalawang Ministro ng National Health Commission ng Tsina, at kinatagpo siya ni Andrea Palm, Pangalawang Kalihim ng U.S. Department of Health and Human Services.

 

Sa pagtatagpo, sinabi ni Cao, na ang pagpapalakas ng kooperasyong pangkalusugan sa pagitan ng Tsina at Amerika ay makakabuti sa kagalingan ng kapwa bansa at daigdig.

 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Amerika, na pahusayin ang komunikasyon sa patakaran at koordinasyon sa posisyon, at isagawa ang mga kooperasyon sa pag-iwas at paglunas ng kanser, pamamahala sa mga talamak na sakit, problema sa pagtanda at medikal na pananaliksik.

 

Sinabi naman ni Palm na ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang pinakamalaking bansa sa mundo ay mahalaga para sa pandaigdigang seguridad sa kalusugan.

 

Ipinahayag niya ang pag-asang mapapalalim ng Amerika at Tsina ang kooperasyon sa iba’t ibang aspektong may kinalaman sa kalusugan, na gaya ng pag-iwas at paglunas sa kanser, mga talamak na sakit, isyu ng pagtanda, mga isyu ng kalusugan na may kaugnayan sa pagbabago ng klima, nutrisyon, at paglaban sa antimicrobial.


Editor: Liu Kai