Aktibidad pampalakasan at pangkultura ng mga kabataang Tsino’t Amerikano, dinaluhan ng unang ginang Tsino

2024-09-25 10:28:25  CMG
Share with:

Dumalo, Setyembre 24, 2024 si Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina sa aktibidad ng pagpapalitang pampalakasan at pangkultura ng mga kabataang Tsino’t Amerikano na idinaos sa “Ika-8 Mataas na Paaralan ng Beijing.”

 

Winelkam ni Peng ang pagbisita sa Tsina ng mga guro’t estudyante ng Amerika.

 

Umaasa aniya siyang mapapalalim ng mga kabataan ng dalawang bansa ang pagkaunawaan at mapapasigla ang relasyong Sino-Amerikano.

 

Sa panonood ni Peng sa larong basketbol ng mga koponan ng dalawang bansa at video hinggil sa pagbisita ng delegasyong Amerikano sa mga lugar ng Tsina, sinabi niyang ang kinabukasan ng relasyong Sino-Amerikano ay nakasalalay sa mga kabataan.

 

Sa pagbabalik ng mga estudyanteng Amerikano sa kanilang bansa, umaasa aniya siyang ibabahagi nila ang karanasan sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan at mga kaklase, at ipapa-abot ang pakikipagkaibigan ng mamamayang Tsino sa Amerika.

 

Kabilang sa delegasyong Amerikano ay nasa 100 guro at estudyante ng mahigit 10 mataas na paaralan ng Estado ng Washington.


Salin: Ernest 

Pulido: Rhio