Pag-unlad ng Xinjiang, ipinanawagan ng bise premyer ng Tsina

2024-10-08 16:12:19  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Xinjiang Production and Construction Corps (XPCC), Oktubre 7, 2024, sa Urumqi, kabisera ng Xinjiang Uygur Autonomous Region, hiniling ni He Lifeng, Bise Premyer ng Tsina at miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang pagpapabuti ng XPCC upang mapasulong ang pag-unlad ng Xinjiang.


Inihayag din ni He ang pagbati ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, sa mga mamamayan ng iba’t-ibang etnikong grupo ng XPCC.


Nanawagan din siya sa XPCC na pasulungin ang dekalidad na pag-unlad, at samantalahin ang pagkakataon ng reporma at pagbubukas sa labas, para itatag ang Xinjiang bilang “gintong tsanel” sa pagitan ng Asya at Europa, at pinto sa pagbubukas ng Tsina, tungo sa kanluran. 


Samantala, binasa sa pulong ang liham ng pagbati na ipinadala ng Komite Sentral ng CPC, Konseho ng Estado at Sentral na Komisyong Militar.

 

Ayon dito, ang XPCC, na itinatag noong 1954, ay nagbigay ng mahalagang ambag sa pag-unlad ng Xinjiang, pagpapalakas ng etnikong pagkakaisa at katatagang panlipunan, at pagbabantay sa hanggahan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio