Nagtagpo Biyernes, Abril 5, 2024 sa lunsod ng Guangzhou ng lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina sina He Lifeng, Pangalawang Premyer ng Tsina, at Janet Yellen, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, para magpalitan ng palagay hinggil sa pagpapahigpit ng relasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan.
Ngayong taon, ang pagdalaw ni Yellen sa Tsina ay magsisilbing bahagi ng isang bagong mekanismo ng direktang pag-uulat kina He at Yellen na itinatag ng dalawang bansa noong Setyembre ng 2023.
Ang Economic Working Group ng Tsina at Amerika ay pangunahing nakatuon sa mga isyu ng macroeconomic, na sumasaklaw hindi lamang sa pagkabahala ng dalawang panig, kundi pati na rin ang pagtugon sa mga umuusbong na hamon sa utang sa merkado.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil