Inilathala kahapon, Oktubre 8, 2024, ng Central Party Literature Press (CPLP) ang kompilasyon ng mga diskruso ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa hinggil sa pangangasiwa ng tubig.
Ayon dito, mahalaga sa pagtatatag ng modernisadong sosyalistang bansa sa lahat ng aspekto ang paggarantiya ng seguridad ng yamang-tubig.
Ang aklat ay may anim na tema, kung saan pinagsama-sama ang 297 piraso ng diskruso mula sa mahigit 130 mahalagang talumpati at mga akda ni Xi mula Disyembre 2012 hanggang Agosto 2024.
Ilang bahagi ng aklat ay kauna-unahang isinapubliko.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio