ASEAN Summit, binuksan sa Laos

2024-10-09 16:14:46  CMG
Share with:

Opisyal na binuksan umaga ng Oktubre 9, 2024 (lokal na oras), sa Vientiane, Laos, ang Ika-44 at Ika-45 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, na nilahukan ng mga lider ng mahigit 20 bansa at mga kinatawan mula sa mga organisasyong pandaigdig na kinabibilangan ng United Nations (UN).

 


Sa ilalim ng temang “ASEAN: Enhancing Connectivity and Resilience,” tatagal ang pulong mula Oktubre 9 hanggang Oktubre 11.

 

Samantala, kasama ring idaraos ang Ika-27 Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN (10+1), Ika-27 Pulong ng mga Lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), Ika-19 East Asia Summit (EAS).

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio