Pulong ng mga lider ng Timog-silangan at Silangang Asya, dadaluhan ng premyer Tsino

2024-10-08 16:43:12  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Oktubre 8, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Punong Ministro Sonexay Siphandone ng Laos, dadalo si Premyer Li Qiang ng Tsina sa ika-27 pulong ng mga lider ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN+1), ika-27 pulong ng mga lider ng Tsina, Timog Korea, Hapon at ASEAN (ASEAN+3), at ika-19 East Asia Summit (EAS).

 

Isasagawa rin aniya ng premyer Tsino ang opisyal na pagdalaw sa Laos mula Oktubre 9 hanggang 12, at sa paanyaya ni Punong Ministro Pham Minh Chinh ng Biyetnam, opisyal ding dadalaw si Li sa Biyetnam mula Oktubre 12 hanggang 14.

 

Ang Laos ang kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio