Ika-6 na ASEAN-China Media Week, binuksan sa Nanning, Guangxi

2024-09-11 16:25:22  CMG
Share with:


Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina - Sa ilalim ng temang “More People-to-People Exchanges, Better Audio-visual Cooperation,” binuksan Martes, Setyembre 10, 2024 ang Ika-6 na ASEAN-China Media Week.

 

Layon ng aktibidad na aktibong palakasin ang kooperasyon ng mga media at pagpapalitang tao-sa-tao sa pagitan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), aktibong pasulungin ang de-kalidad na kooperasyon at pag-unlad sa industrya ng audio-visual ng Tsina at ASEAN, at tulungan ang pagbuo ng mas malakas na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio