10+3, dinaluhan ng premyer Tsino

2024-10-11 13:20:54  CMG
Share with:

Dinaluhan, Oktubre 10, 2024 sa Vientiane, Laos ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang Ika-27 Pulong ng mga Lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Timog Korea at Hapon (10+3).

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Li, na magsisikap ang panig Tsino para itatag ang isang mapayapa, matatag, bukas, at inklusibo’t masaganang Asya.

 

Kasama ng ASEAN, Timog Korea at Hapon, nais ding patingkarin ng Tsina ang papel ng 10+3; katigan ang nukleong katayuan ng ASEAN sa estrukturang panrehiyon; at pasulungin ang pangmatagalan, matatag, at malusog na pag-unlad ng rehiyon.

 

Bukod diyan, iniharap niya ang mga mungkahing kinabibilangan ng:


una, pagtatayo ng mainam na kapaligiran para patibayin ang batayang panlipunan sa kooperasyon; ikalawa, sustenableng pagpapataas ng katatagan at kakayahang kompetetibo ng sistemang industriyal ng rehiyon; ikatlo, pagkumpleto sa mga proyektong pangkooperasyon sa larangang didyital, artipisyal na intelihensya, berdeng pag-unlad, at pagpapalakas ng kadena ng suplay.


Pinagtibay rin sa pulong ang deklarasyon ng mga lider ng 10+3 hinggil sa pagpapalakas ng ugnayan ng kadena ng suplay sa rehiyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio