Magkakasamang inilabas, Oktubre 10, 2024 ng mga lider ng Tsina at sampung bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang magkasanib na anunsyo hinggil sa substansyal na konklusyon ng negsosasyon sa Version 3.0 China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Ayon dito, siyam na sektor ang saklaw ng Version 3.0 CAFTA.
Kabilang sa mga ito ay sektor na nakasaad sa kasalukuyang China-ASEAN Free Trade Agreement, at mga bagong-sibol na larangang may malaking potensyal sa kooperasyon gaya ng didyital na ekonomiya; berdeng ekonomiya; konektibidad ng kadena ng suplay; mga alituntunin tungkol sa istandard na teknolohiya at mga prosidyur ng kuwalipikasyon at pagtasa; hakbangin sa sanitasyon at phytosanitasyon; pasilitasyon ng adwana at kalakalan; kompetisyon at pangangalaga sa mga mamimili; mikro, maliliit at katam-tamang-laking kompanya (MSMEs); at pagtutulungang pangkabuhaya’t panteknolohiya.
Matatandaang sinimulang itatag noong 2002 ang China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Pagkaraang marating at ipatupad ang Kasunduan ng Kalakalan sa mga Paninda, Kasunduan ng Kalakalan sa Serbisyo at Kasunduan sa Pamumuhunan, ayon sa pagkakasunud-sunod, opisyal na itinayo ang CAFTA noong 2010.
Noong 2015, nagkasundo ang Tsina at ASEAN na i-upgrade sa version 2 ang CAFTA at noong 2019, sinimulan ang ganap na pagpapa-iral ng nasabing bersyon.
Noong Nobyembre 2022, sinimulan ng magkabilang panig ang talastasan sa version 3.
Salin/Patnugot: Jade
Pulido: Rhio