Pag-unlad ng Tsina’t Hapon, mahalagang pagkakataon para sa isa't isa

2024-10-11 14:52:59  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo, Oktubre 10, 2024, sa Vientiane, Laos nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Punong Ministro Shigeru Ishiba ng Hapon, sinabi ng panig Tsino, na ang pag-unlad ng Tsina at Hapon ay mahalagang pagkakataon para sa isa't-isa, at hindi hamon.

 

Umaasa si Li, na tutupdin ng Hapon ang mga prinsipyo’t konsenso sa apat na magkasanib na komunike ng Tsina at Hapon, at makikipagtulungan ang Hapon sa Tsina upang mapanatili ang pulitikal na pundasyon ng ugnayan ng dalawang bansa.

 

Nais aniya ng Tsina, na palakasin ang diyalogo at kooperasyon, lubos na itaguyod ang estratehikong relasyong nakabatay sa kapuwa pakinabang, at itayo ang matatag na relasyong Sino-Hapones, na naka-ayon sa mga pangangailangan ng makabagong panahon.

 


Umaasa naman si Ishiba, na mapapalalim ang praktikal na kooperasyon sa iba't-ibang larangan upang mas makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Naninindigan aniya ang Hapon sa posisyong itinakda sa apat na magkasanib na komunike ng Tsina at Hapon hinggil sa isyu ng Taiwan, at hindi ito nagbabago.

 

Salin: Yu Linrui


Pulido: Rhio