Xi Jinping, bumati sa bagong pangulo ng Ethiopia

2024-10-13 17:43:56  CMG
Share with:

Ipinadala kahapon, Oktubre 12, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati kay Taye Atske Selassie para sa kanyang panungkulan bilang pangulo ng Ethiopia.

 

Tinukoy ni Xi, na nitong ilang taong nakalipas, nakikita ng Tsina at Ethiopia ang komprehensibo at mabilis na pag-unlad ng relasyon, tuluy-tuloy na paglalim ng pagtitiwalaang pulitikal, at pagkakaroon ng maraming bunga sa pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang aspekto.

 

Ipinahayag din ni Xi ang kanyang pagpapahalaga sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Ethiopia, at kahandaan kasama ni Pangulong Taye na samantalahin ang pagkakataon ng pagpapatupad ng mga bunga ng 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation para pasulungin ang all-weather strategic partnership ng dalawang bansa at ihatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.


Editor: Liu Kai