Dayuhang kalahok sa China International Friendship Conference, kinatagpo ng pangulong Tsino

2024-10-11 14:59:59  CMG
Share with:

Nakipagtagpo ngayong araw, Oktubre 11, 2024 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga dayuhang kalahok sa China International Friendship Conference (CIFC), at aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng Chinese People's Association for Friendship with Foreign Countries (CPAFFC).

 

Sinabi ni Xi, na nais palakasin ng Tsina ang mapagkaibigang pagpapalitan, patingkarin ang mahalagang papel ng diplomasyang tao-sa-tao, at magkasamang itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Kaugnay nito, iniharap niya ang mga mungkahing gaya ng pagtitipun-tipon ng komong palagay, paggigiit ng ideya ng kooperasyon na may win-win na situwasyon, at pagpapasulong ng pagpapalitan ng kultura at sibilisasyon sa bukas na atityud.

 

Saad ni Xi, patuloy na kakatigan ng pamahalaang Tsino ang mga gawain ng CPAFFC para sa pagpapalalim ng pagkakaibigan ng mga Tsino’t dayuhan, at pagpapasulong ng aktuwal na kooperasyong pandaigdig.


Dumalo sa aktibidad ang halos 200 dayuhang panauhin.

 

Salin: Ernest

Pulido: Rhio