Xi at Putin, bumati sa ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya

2024-10-02 13:04:46  CMG
Share with:

 

Ipinadala ngayong araw, Oktubre 2, 2024, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, ang mensahe sa isa’t isa bilang pagbati sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Sinabi ni Xi, na ang walang humpay na pag-unlad, pangmatagalang pagkakaibigan, komprehensibo at estratehikong koordinasyon, at win-win na kooperasyon ay mga katangian ng relasyong Sino-Ruso.

 

Nakahanda niya ang Tsina, kasama ng Rusya, na samantalahin ang pagkakataon ng ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, para igiit ang direksyon ng pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso, palawakin ang pragmatikong kooperasyon, pasulungin ang modernisasyon ng kapwa bansa, at ibigay ang bagong ambag sa kapayapaan at katatagan ng daigdig.

 

Ipinahayag naman ni Putin, na sa kasalukuyan, nasa pinakamataas na lebel ang relasyong Ruso-Sino, mabunga ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pulitika, kabuhayan, kalakalan, siyensiya, teknolohiya, at iba pa, at mabisa ang kanilang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

 

Nananalig aniya siyang, ibayo pang uunlad ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng Rusya at Tsina.


Editor: Liu Kai