Ayon sa datos na ipinalabas, Oktubre 13, 2024 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina (NBS), lumago ng 0.4% ang Consumer Price Index (CPI) ng bansa kumpara sa parehong buwan ng 2023.
Samantala, kumpara naman noong nakaraang Agosto, nanatiling pareho ang CPI noong Setyembre.
Ayon sa mga eksperto, inaasahang tataas ang pangangailangan ng merkado kasabay ng pagpapalabas ng malakas na bagong polisya ng pamahalaang Tsino, na naglalayong pasiglahin ang ekonomiya.
Samantala, sinabi ni Dong Lijuan, Punong Istatistisyan ng NBS, bumaba ng 2.8% ang Producer Price Index (PPI) noong Setyembre kumpara sa gayon din panahon ng tinalikdang taon dahil sa pagbaba ng presyo ng paninda sa buong daigdig at mababang domestikong pangangailangan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio