Tsina sa Amerika: itigil ang paninirang-puri sa katuwiran ng cyberseguridad

2024-10-15 16:55:03  CMG
Share with:

Ibinunyag ng ulat na inilabas ng National Computer Virus Emergency Response Center (NCVERC), National Engineering Laboratory for Computer Virus Prevention Technology (NELCVPT), at the 360 Digital Security Group ng Tsina, ang pagkukubli sa mga cyber-attack ng Amerika, sa pamamagitan ng pagbibintang sa ibang bansa.

 


Kaugnay nito, hinimok, Oktubre 14, 2024, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang Amerika na agarang ihinto ang mga cyberattack sa buong daigdig, at itigil ang paninirang-puri sa Tsina sa katuwiran ng cyberseguridad.

 

Ani Mao, sa naturang ulat ay nabunyag muli ang mga katotohanan gaya ng: una, sa paggamit ng maunlad na teknolohiya, isinagawa ng Amerika ang cyberattack at ibinintang ito sa ibang bansa; ikalawa, sa pagamit ng bentahe sa submarine optical fiber, isinagawa ng Amerika ang malaking saklaw na cyberpaniniktik at pang-eespiya sa buong mundo; ikatlo, isinagawa rin ng Amerika ang pang-eespiya sa mga kaalyadong tulad ng Alemanya; ikaapat, tumulong ang ilang malalaking kompanyang pansiyensiya’t panteknolohiya ng Amerika sa isyung ito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio