MOFA: Ang pandaigdigang kooperasyon sa Aprika ay dapat igiit ang pagiging patas, pantay-pantay at pragmatiko

2024-09-10 17:05:57  CMG
Share with:

Kaugnay ng isyu ng pautang sa mga bansang Aprikano, ipinahayag ngayong araw, Setyembre 10, 2024 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang pandaigdigang kooperasyon sa Aprika ay dapat igiit ang pagiging patas, pantay-pantay at pragmatiko.

 

Nanawagan aniya ang Tsina sa komunidad ng daigdig, lalong lalo na sa mga mauunlad na bansa, at pandaigdigang organisasyong pinansiyal na isabalikat ang sariling responsibilidad at tulungan ang mga bansang Aprikano sa pagpawi ng pasanin ng pautang.

 

Sinabi niya na ang pamumuhunan ng Tsina sa Aprika ay nagsisilbing kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at hindi magbubunga ito ng debt trap sa mga bansang Aprikano.

 

Saad niya na ang Tsina ay hindi pangunahing kreditor ng Aprika at ayon sa datos ng World Bank, ang 80% ng sovereign external debt ng Aprika ay nabibilang sa pribado at multilateral na kreditor.

 

Dagdag niya, sa katatapos na 2024 summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC), iniharap din ng Tsina ang mga hakbangin para mabawasan ang mga pautang ng Aprika.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil