MOFA: Umano’y arbitral award sa South China Sea, ilegal at walang bisa

2024-09-10 16:20:33  CMG
Share with:

Kaugnay ng solusyon sa alitan sa South China Sea (SCS), inihayag, Setyembre 9, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na palagiang naninindigan ang Tsina na mapayapang resolbahin, kasama ng mga may direktang kinalamang bansa, ang kaukulang alitan sa SCS, batay sa paggalang sa katotohanang historikal at pandaigdigang batas, sa pamamagitan ng talastasan at negosasyon.

 

Aniya, paulit-ulit na inihahayag ng panig Tsino ang paninindigan sa umano’y kaso ng artitrasyon sa SCS.

 

Ilegal at walang bisa ang umano’y arbitral award, diin ni Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil