Mabuting kooperasyon tungo sa mas maraming benepisyo, itutuloy ng Tsina’t Indonesya

2024-10-15 16:52:16  CMG
Share with:

Sa pag-usap sa telepono, Oktubre 14, 2024, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joko Widodo ng Indonesya, pinuri ng pangulong Tsino ang mahalagang ambag na ibinigay ng pangulong Indones sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.

 

Ani Xi, kasama ng Indonesya, magsisikap ang Tsina para maitayo ang  dekalidad na kooperasyon ng Belt and Road Initiative (BRI), at mabuting maisaoperasyon ang Jakarta–Bandung High-Speed Railway, tungo sa pagdudulot ng mas maraming benepisyo para sa mga Tsino’t Indones.

 

Dagdag niya, ang 2025 ay ika-70 aniberasaryo ng Komperensya ng Bandung, kaya sa tulong ng Indonesya, handang ipatupad ng Tsina ang Limang Prinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan’t Diwa ng Bandung, pasulungin ang pagkakaisa at kooperasyon ng mga “bansa sa katimugan,” pangalagaan ang komong interes ng mga umuunlad na bansa, at pasulungin ang kaunlaran, kasaganaan, at katatagan ng rehiyon’t buong daigdig.

 

Pinasalamatan naman ni Widodo ang ambag ng Tsina sa pag-unlad ng ekonomiya ng Indonesya.

 

Ang Jakarta–Bandung High-Speed Railway aniya ay modelo ng magkakasamang pagtatatag ng dalawang bansa ng BRI.

 

Nananalig din siyang sa pamumuno ng bagong pamahalaan ng Indonesya, patuloy na mapapanatili ang mainam na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio