Sa pag-uusap sa telepono, Oktubre 14, 2024, nina Ministrong Panlabas Wang Yi at Ministrong Panlabas Israel Katz ng Israel, inihayag ng panig Tsino ang pagkabahala sa kasalukuyang kalagayan sa pagitan ng Israel at Iran, at hinimok ang panig Israeli na tiyakin ang kaligtasan ng mga tauhan ng United Nations Interim Force in Lebanon (UNIFIL).
Iginiit din ni Wang ang posisyon ng panig Tsino tungkol sa hidwaan sa Gaza, at nananawagan para sa agaran, ganap, at permanenteng tigil-putukan, pagpapalaya sa lahat ng bihag, at pagtiyak sa pagkakaroon ng walang hadlang na humanitaryong akses ng lugar.
Inihayag naman ni Katz ang tungkol sa mga pananaw at alalahanin ng Israel tungkol sa situwasyon ng rehiyon.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa relasyong Sino-Israeli.
Salin: Lei Bidan
Pulido: Rhio