Sa pagtatagpo, Oktubre 10, 2024 sa Beijing nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Luis Gilberto Murillo ng Columbia, sinabi ng panig Tsino, na nakahada nitong palakasin ang sinerhiya ng mga estratehiya sa pag-unlad ng dalawang bansa, at malugod din nitong tinatanggap ang pagsali ng Colombia sa pamilya ng "Belt and Road" sa lalong madaling panahon.
Ani Wang, nagpapasalamat ang Tsina sa pangmatagalang paggigiit ng Colombia sa prinsipyong isang-Tsina.
Nakahanda aniyang makipagtulungan ang Tsina sa Colombia upang patuloy na pangalagaan ang mga nukleong interes ng isa’t-isa.
Sinabi naman ni Murillo, na magsisikap ang Colombia upang maipatupad ang mahahalagang estratehikong pinagkasunduan ng mga pinuno ng dalawang bansa, at palalimin ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan.
Diin pa niya, ang Taiwan ay isang mahalagang bahagi ng teritoryo ng Tsina, at ang Colombia ay patuloy at matatag na susunod sa prinsipyong isang-Tsina at susuportahan ang lehitimong posisyon ng Tsina.
Salin: Lei Bidan
Pulido: Rhio